^

PSN Opinyon

DAP binigay kani-kanino, imbis sa mga beterano

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MALINIS ang pakay ng ilegal na presidential pork barrel, Disbursement Acceleration Program, ani Sen. Antonio Trillanes IV. Wala naman umano ninakaw ni isang ku-sing si nagpakanang Budget Sec. Florencio Abad.

Ipagpalagay na wala ngang sinikwat. Pero bakit hindi madetalye ni Abad kung anu-ano ang umano’y 116 proyekto ng DAP? Bakit pabagu-bago siya sa pag-ulat kung magkano ito: P142 bilyon, P157 bilyon, o P177 bil­yon? Sa pinaka-huling salita niya, P136 bilyon na lang.

Ito sana ang ikuwento ni defender Trillanes. Kung totoo na ang DAP ay para maibsan ang kahirapan, bakit hindi nito binalatuhan ang sektor na malapit dapat sa dating naval officer: Mga beterano?

Ilan taon nang nagmamakaawa ang mga biyuda’t anak ng beterano: Bayaran ng Philippine Veterans Administration Office ang kanilang mga antalang pensiyon. Sa totoo lang, walang magawa ang PVAO, dahil taga-release lang sila ng pera. Ang tagabigay ay Department of Budget and Management (DBM) ni Abad. Matagal nang sinumite ng PVAO sa DBM ang beripikadong listahan ng mga inimbestigahang biyuda at pamilya. Pero utos ni Abad sa DBM staff, imbestigahan at beripikahin muli ang bawat isa. Saka pa lang niya popondohan ang pang-pensiyon.

Pareho ang sitwasyon ng retirees ng lumang Integrated National Police. Kakambal ng dating Constabulary na naging National Police, nagretiro sila nu’ng dekada-’70-’90, at binayaran ng maliliit na pensiyon. Nu’ng 2002 hiniling nila na itulad ang pensiyon sa mas mataas na sa PNP. Pumayag ang Korte Suprema, at inutusan ang DBM na bayaran sila. Inulit ito ng isang regional trial court nu’ng Pebrero 2004.

Hindi mabatid kung ano ang kapangyarihan ni Abad na i-dedma ang kautusan ng Hudikatura. Galit ba siya sa mga maralitang retirado?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

 

vuukle comment

ABAD

ANTONIO TRILLANES

BUDGET SEC

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FLORENCIO ABAD

INTEGRATED NATIONAL POLICE

KORTE SUPREMA

NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with