^

PSN Opinyon

Nahahati ang bansa

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

IYAN ang malinaw na nangyayari ngayon. Nagkakawa-tak-watak ang bansa dahil sa mga isyung pulitikal. Ang tinutukoy ko ay ang usapin sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na ibinasura na ng Korte Suprema pero iginigiit ng Palasyo na legal at moral.

Habang nanawagan si Presidente Aquino  na magkaisa ang sambayanan sa usapin ng DAP, hindi unity kundi division ang malinaw na nangyayari.

Sabi ng barbero kong si Mang Gustin, hindi tumpak ang panawagan ng Malacañang na magsuot ng dilaw ang mga mamamayang naniniwala sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na nauna nang idineklarang illegal ng Korte Suprema.

Samantala, ang hudikatura naman ay nagkaisang magsuot ng itim na arm band bilang protesta sa pagsalungat ng Palasyo sa ruling ng Korte.

Gaya nga ng nasabi ko na, yamang nagmosyon na ang Malacañang sa Korte Suprema na baliktarin ang desisyon ay hintayin na lang ang ruling sa halip na gatungan pa ang political issue na ito na nasa bingit na ng pagliyab at pagsambulat.

Sinabi pa ng Malacañang na yuyukod ito sa ano mang pinal na pasya ng Korte. Ngunit bakit nakaririnig pa tayo ng mga salita sa panig ng administrasyon na gumagatong sa isyung ito?

Sumegunda pa si DILG Sec. Mar Roxas na nagsabing ang P 10-milyong DAP ay ginamit sa paglilikas ng mga squatters na naninirahan sa mga danger zones. Okay ang intensyon na iyan ngunit hindi na pinag-uusapan ang mabuting intensyon ng DAP. Ang isyu ay: Ginamit ba ang pondo sa paraang naaayon sa Konstitusyon?

Sinabi na ng Korte Suprema na ”unconstitutional” ito. Kaya sana, para hindi na magkawatakwatak pa ang bansa, huwag nang igiit ng Palasyo na tama ito ang mali ang Korte Suprema.

Uulitin ko sa ikatlong pagkakataon ang nauna ko nang sinabi. Kung ipasya ng Korte na talagang unconstitutional ito sa mosyon ng Malacañang, tanggapin na lang ang desisyon at magpanukala ng bagong batas para matamo ang layunin ng DAP.

vuukle comment

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KORTE

KORTE SUPREMA

MALACA

MANG GUSTIN

MAR ROXAS

PALASYO

PRESIDENTE AQUINO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with