^

PSN Opinyon

P-Noy, pinakokontra sa SC ang ‘mga boss’

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

KAHIBANGAN ang ginagawa ni Presidente Noynoy Aquino. Hinihimok niya ang “mga boss ko” -- ang mamamayang Pilipino -- na suwayin ang Supreme Court. Pinepersonal ni P-Noy ang SC. Dineklara kasi nito na unconstitutional ang kanyang presidential pork barrel na Disbursement Acceleration Program (DAP).

 Ani P-Noy, ginawa niya ang DAP alang-alang sa mga mahihirap. At wala raw nawaldas na pera. Ang problema, hindi niya nilalabas ang buong listahan ng 116 proyekto sa ilalim ng DAP, at kung magkano ang bawat isa. Dahil walang accounting, hindi ma-audit ang gastusin at epekto sa mahihirap.

Ni hindi masabi ni P-Noy ang kabuuang halaga. Nu’ng una sabi niya P142 bilyon daw ito. Tapos, sabi nila sa SC, P157 bilyon. Pero sa website ng Dept. of Budget and Management, P150 bilyon ang nakatala. At sabi ni Budget Sec. Florencio Abad sa huling press release, P136 bilyon. Ano ba talaga, kuya?

Nais ni P-Noy labanan ng mamamayan ang SC, alang-alang sa kanya. Mahimok kaya niya sila sa isang hungkag na layunin?

 Kaduda-duda na sasama sa kanya ang masa. Kasi nag-iisip sila. Alam nila na hindi naman talaga nakatulong ang DAP sa buhay nila. Ayon nga sa mga huling surveys, nananatiling 26% pa rin ang maralita at nagugutom. Kaya nga bagsak din ang satisfaction ratings ni P-Noy sa surveys. Gaano mang papuri ang ilabas ng mga sipsip na mambabatas at bagong sulpot na samahan, hindi mapapaniwala ang mamamayan sa buktot na balakin ni P-Noy.

Makakabuti sa bayan kung akuin ni P-Noy na nagkamali siya sa DAP, pero hindi na uulit. Tapos, isumite niya ang detalyes sa audit.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANI P-NOY

BUDGET AND MANAGEMENT

BUDGET SEC

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FLORENCIO ABAD

NOY

P-NOY

PRESIDENTE NOYNOY AQUINO

SUPREME COURT

TAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with