^

PSN Opinyon

Hustisya ang sigaw ng bansa

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

IBINASURA na ang pa­nga­lawang reklamong panggagahasa na isinampa ni Deniece Cornejo kay Vhong Navarro. Ayon sa Taguig City Prosecutor’s Office, kung may panggagahasang naganap noong Enero 17, bakit inimbita pa si Navarro sa kanyang condominium noong Enero 22? Una nang ibinasura ang reklamong panggagahasa na naganap noong Enero 22, dahil na rin sa dami ng ebidensiya na kontra sa kanya at mga pahayag nina Cedric Lee. Hindi posibleng may naganap na panggagahasa base sa oras na nakita sa CCTV. Sa pangalawang reklamo, pinuna ng piskal na nakangiti pa si Cedric nang paakyat sa unit ni Cornejo. Kung tutulungan nila ang kaibigang ginagahasa umano, bakit nakangiti?

Kung naging testigo na lang sana si Cornejo, baka nasa magandang sitwasyon siya ngayon. Pero malinaw na mas takot kay Cedric kaysa sa batas at parusa. Ang reklamong isinampa ni Roxanne Cabanero na lang ang hinihintay, na ayon sa marami ay utos din umano ni Cedric. Pero naglabasan din ang mga butas ng kanyang mga pahayag.

Ang kaso ni Navarro ay natataon din sa kaso ng hazing kung saan namatay si Guillo Cesar Servando. Mga insidente ng pambubugbog. Hindi nga namatay si Navarro, pero tinangkang sirain ang buhay. Si Guillo ang kawawa at hindi naisalba ang buhay. Sa dalawang kaso, parehong binugbog ang mga biktima. Sa dalawang kaso, may mga nakaalis na ng bansa na patunay sa ginawang krimen. Sa dalawang kaso, may matibay na ebidensiya sa pamamagitan ng CCTV. Hinihintay na ng taumbayan kung kailan magsisimula ang pagdinig sa mga kasong ito.

Hustisya ang sigaw ng bansa, lalo na sa kaso ni Guillo. Hindi pwedeng palampasin ang mga insidenteng ito, na maaa-ring mangyari kaninoman. Mga tao tulad ni Cedric na ginagamit ang pera para manggipit ng tao, grupo tulad ng Tau Gamma na ginagamit ang impluwen­siya para manakit at ma­kapatay. Hindi na ito pi­napayagan sa lipunan.

vuukle comment

CEDRIC

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

ENERO

GUILLO CESAR SERVANDO

NAVARRO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with