^

PSN Opinyon

Bankarote

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HILAHOD na ang importers na nagpaparating ng mga kargamento sa Manila South Harbor at Manila International Container Terminal matapos ang walang humpay na pera-pera system na pinaiiral ng Manila City Hall. Sa kasalukuyan, umaabot na sa P30,000 hanggang P39,000 kada container van ang binabayaran nila sa trucking companies bukod pa riyan ang Customs duties at taxes. Kaya naman ramdam na sa ngayon ng sambayanan ang unti-unting pagkawala ng mga pangunahing commodities sa merkado, at ang resulta nito paglobo ng presyo. Hindi masisi ang mga negosyante dahil ipinapatong lamang nila ang gastusin sa paglabas ng kanilang mga kargamento sa Bureau of Customs, Philippine Port Authority at shipping companies, idagdag pa ang mataas na bayarin sa Customs brokers sa pagproseso ng mga papeles  at  hauling fees sa mga trucking firm.

Ngunit may kasagutan ang Custom Brokers Association of the Philippines sa problemang ito kung magkakaisa ang shipping companies.  Ayon sa aking mga nakausap inilatag nila sa administrasyon Aquino ang ilang panukala upang maresolba ang problema sa kawalan ng lugar o paglalagyan ng mga bakanteng container van. Kung tutuparin lamang ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mandato bilang regulatory agency na kung saan ay huwag payagan ang shipping companies  na gawing depot ng mga bakanteng container van ang Ports of Manila at MICT.
Paano nga naman isang damukal na ang mga kinakalawang na container van ang naka-stock sa loob ng conatainer yard ang hindi nahahakot ng barko ng mga shipping companies pabalik sa mga port of origin. Dapat kasing pagmultahin ang mga shipping sa mga nakatinggang container van upang matuto silang pahalagahan ang pagsisikip sa loob ng pier. Kinastigo rin nila ang hindi makataong pambabambo ng Manila City Hall sa walang habas na pangri-wrecker sa mga truck sa kalye na papasok sa mga container yard ng pier.

Lumalabas kasi na kahit na umaandar ang truck na nakapila papasok ng pier ay pilit na inaangklahan ng mga mandarambong na towing companies upang mabakalan ang truck operator ng P4,500.00. Isang nagngangalang Limbo umano ang pasimuno nitong modus na nagpapahirap sa trucking companies. At ang pinakamasakit ay itong lumabas na bagong Erap Pass na nagkakahalaga ng P800.00 kada truck na inoobliga sa truck operators. Mukhang pera-pera na talaga ang lakad ng City of Manila. Gustong bumawi ng administrasyon ni Mayor Erap Estrada sa pagkabankarote matapos iwanan ni dating mayor Afredo Lim kaya sa importers, brokers at trucking firm nakatuon. Abangan!

vuukle comment

AFREDO LIM

BUREAU OF CUSTOMS

CITY OF MANILA

COMPANIES

CUSTOM BROKERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ERAP PASS

MANILA CITY HALL

MAYOR ERAP ESTRADA

PHILIPPINE PORT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with