^

PSN Opinyon

Imported na bawang hide and seek sa dalawang puerto sa Manila

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang imported na mga bawang ang nakatago ngayon sa mga puerto dyan sa Manila hindi ito makalabas dahil dumating ito ng walang import permit from BPI pero hindi minali ang deklarasyon nito dahil bawang pa rin ang nasa declared cargo sa manipesto.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaysa masira ang mga imported na mga bawang bakit hindi na lamang bigyan ng penalties ang mga consignee nito para mailabas at makatulong din sa revenue collection ng bureau  at bumaba naman ang presyo nito sa merkado.

Sabi nga, pagmultahin!

‘Hindi naman nila niloko ang gobierno kaya walang misdeclaration sa kanilang shipments ang problema nga lamang wala itong import permit ng dumating sa Philippines my Philippines?’

‘Ano ang gusto ninyong mangyari?’

Kamote, kayo ang makakapagbigay ng magandang desisyon dyan.

‘Kaysa manakaw?’

Abangan.

Sino ang sinungaling si Villanueva o ang COA?

IKINUENTO ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P1.1 billion fund from the Disbursement Acce­leration Program ng P. Noy government last 2011ang nalagas este mali nagasta pala ng TESDA sa mga epek na singkular este mga scholar pala nila?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinabulaanan ito ni TESDA director general Joel Villanueva na walang katotohanan ang pinagsasabi ng COA laban sa kanyang ahensiya.

Naku ha!

Patay....malamang bakbakan ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ginawang pagkalkal ng COA regarding sa nasabing pondo na ibinigay ng administrasyon ni P. Noy sa TESDA ito para sa mga programa ng mga student mula sa DAP.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga trainee ang diumano’y sumama sa multiple training courses ng peste este mali TESDA pala pero ang pinagtataka ng mga bumubusisi sa pinag-uusapan natin ay kung paano nakadalo sa mga kurso  ang mga sumama rito sa parehong oras dahil overlapping ang mga petsa?

Sabi nga, impossible dream?

“Dapat itong burikiin para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.’ Sabi ng kuwagong urot.

Ika nga, TRUTH SHALL PREVAIL!

Abangan.

vuukle comment

ABANGAN

ANO

ASSET

AYON

DISBURSEMENT ACCE

JOEL VILLANUEVA

NAKU

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with