^

PSN Opinyon

8 high school students biktima ng sex scandal!

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang merong sex video ang walong high school students sa apat na eskuwelahan sa Tondo, Manila?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay dating Executive Sec. Eddie Ermita, Dr. Sarah Villarta-Loquero, Sherwin Alfaro ng DZRH, Engr. Mac Solana, Engr. Bro. Freddie Martinez ng NIA, Ricky Lee, Joan Mabaga ng UERM at Bro. Benito Espique ng Mampiyaan Lodge 284.

Alam n’yo bang pinagpipistahan ngayon ang sex video ng walong high school students na ang edad ay 14 at 16?

Ang mga inosenteng estudyante ay kinunan ng litrato at video habang nakikipagtalik sa nakilalang dayuhan. Pinag-pose sila ng hubo’t hubad kaya lantad ang bubot na kapurihan at wacky pa ang kanilang posing sa litrato.

Ayon sa aking bubwit, ang mga estudyante ay binayaran lamang ng P500. Pinainom sila ng droga bago isinagawa ang sex orgy. Ang mga nasabing litrato ay ipinakalat, inilagay sa Facebook nang tumanggi na ang mga estudyante na makipagkita sa suspect.

Ang naturang mga litrato ay kumalat sa Facebook at Internet kaya nalaman ito ng mga magulang ng mga bata. Sa galit ng mga magulang, kinalbo ang dalawang estudyante at pinauwi naman sa probinsiya ang dalawa pa.

Ang magulang ng isang estudyante ay humingi ng tulong sa DZRH subalit umatras dahil natakot na baka umano lalong maeskandalo ang anak at mga kabarkada nito.

Ang mga estudyanteng magkakabarkada ay nag-aaral sa Torres High School, Nolasco High School, Tondo High School at Antonio High School sa Tondo, Manila.

Tinatawagan ko ang mga opisyal ng mga nasabing eskwelahan na magpatawag ng PTA meeting para matalakay ang isyu. Sana kumilos din ang DepEd-NCR para hindi na maulit ang ganitong sex scandal ng mga estudyante.

 

vuukle comment

ANTONIO HIGH SCHOOL

AYON

BENITO ESPIQUE

DR. SARAH VILLARTA-LOQUERO

EDDIE ERMITA

EXECUTIVE SEC

FACEBOOK

FREDDIE MARTINEZ

JOAN MABAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with