^

PSN Opinyon

‘Pagong Ako’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IPINAPAALALA ni VW Jun Vidanes, sa lahat ng miembro ng ‘Pagong Ako,’ para sa Grand Turtle nite and conferral tomorrow (Friday).

Saan - sa  Banzai Teppanyaki  theater at 6pm dyan sa may Mall of Asia, Pasay City.

Sabi nga, see you there mga ‘PAGONG” !
 

 

Demolition job vs. CPNP Allan Purisima

 

NATIKTIKAN ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na mayroon  mga nagsisingawan balita na namolde para pakuluin at pagkatapos ay ibinabato ng mga kritiko ni Purisima upang malagay ito sa kahihiyan at mapilitan magbitiw sa tungkulin bilang bossing ng PNP dahil dapat daw itong kasuhan ng ‘plunder’ dahil sa pinasok na kontrata regarding sa isang courier service dyan sa Camp Crame.

Ayon sa nga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi puedeng sampahan ng kasong ‘plunder’ si Purisima dahil kahit singkong duling ay hindi naglabas, walang nagalaw na PNP funds o nagbayad ng pera ang PNP para sa kontrobersyal na Werfast delivery service.

Ika nga, kasunduan ito between Werfast and the gun owner tungkol sa delivery services.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, para malaman ng madlang people na niyuyugyog ng mga kritiko ni Purisima noon pang 2011 nagkaroon ng kontrata ang Werfast at hindi pa si Puring ang CPNP noon mga panahon na iyon.

Ika nga, wala siyang direct involvement!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may ilang kamote sa gobierno ang humihingi ng ulo ni Purisima para sibakin sa PNP kaya naman lahat na ata ng puedeng gawin isyu laban dito ay ipinupukol ng mga hunghang.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may isang opisyal sa gobierno ni P. Noy ang lumalakad pailalim para kausapin ang mga kasangga niyang malalapit sa Pangulo ng Philippines my Philippines para tulungan siyang ipasibak si Purisima sa lalong madaling panahon upang gumawa ng mga gimik at mapaganda ang kanyang imahe sa madlang people.

‘Hulaan ninyo - Sino siya?’ sabi ng kuwagong urot.

Abangan.

 

 

Ito ang totoo sa hanay ng mga kamote sa PNP

 

SINISIRA ng  mga bugok na miembro ng Philippine National Police ang kanilang hanay dahil sa pangongotong na ginagawa nila sa mga illegal vices sa Metro-Manila. Take note, CPNP Allan Purisima!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Noel, alyas Cruz, alyas de Castro at alyas Jojo ang nagbibitbit ng mga pangalan ng dalawang matataas na opisyal sa PNP - National Capital Regional Police Office para mangolekta ng intelihensiya sa lahat ng klase ng vices sa Metro - Manila.

Ika nga, inuutusan sila?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gamit o bitbit ang sa pangongotong ng mga kamote ang mga pangalan nina C/Supt. Bartolo at isang Macaraeg para kikilan ang mga operator ng illegal vices sa buong Metro - Manila tulad ng jueteng, sakla, color games, montehan, karera bookies echetera.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos P1 million kada linggo ang delihensiya nakukuha at pinagpapartihan ng mga bugok na pulisya dahil sa diumano’y utos ng dalawang opisyal?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ipahuli sa PNP - CIDG ang mga hunghang at tanggalin sa serbisyo oras na napatunayan nagkasala ang mga tekamots.

Abangan.

vuukle comment

ASSET

AYON

KUWAGO

MISMO

ORA

PURISIMA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with