^

PSN Opinyon

Balik trabaho

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAKARAOS muli tayo ng isang Semana Santa. Isang linggong paggunita sa paghihirap at sakripisyo ni Hesus, o isang linggong bakasyon grande, depende na sa inyo. Aaminin ko, nakapagpahinga ako nang maayos, pero nagbigay rin ako ng panahon para pasalamatan ang sakripisyong inalay ng Panginoon para sa ating kaligtasan. Taun-taon, tila mas nawawala na ang tunay na kahulugan ng Semana Santa, na tulad ng Pasko ay pinasukan na ng komersyo. Panahon para kumita ang mga negosyo, partikular ang mga bakasyunan. Maraming tindahan at mall ang bukas na rin kahit Biyernes Santo, kumpara noon na sarado at prusisyon ang makikita sa kalsada.

Maraming naganap noong Semana Santa. Noong Miyerkules, tumagilid ang isang ferry sa South Korea, sakay ang higit 400, karamihan ay mga estudyante. Tatlumpu na ang kumpirmadong patay at higit 200 pa ang hindi pa makita. Hindi pa matiyak kung ano na ang sinapit ng mga nawawala. Pinasok na ang ferry para hanapin ang mga nawawala.

Dito naman sa atin, bumalik na noong Sabado si Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile, na sangkot sa PDAF scam ni Janet Lim Napoles. Matapos ang pitong buwan, nagpasyang bumalik para harapin ang inaakusa sa kanya. Mas gusto kong magbigay liwanag siya sa kanyang nalalaman sa PDAF scam, kung meron, para mapatibay pa ang kaso laban kina Napoles. Malalaman natin kung tutugma ang mga pahayag ng mga naunang whistleblowers at ni Ruby Tuason.

Siguro pinili ni Atty. Reyes na bumalik sa bansa no­ong Semana Santa para hindi siya dumugin ng media. Para tahimik na muna ang kanyang pagbalik. Pero kung magsasalita na siya ukol sa scam, malakas itong pasa-bog. Nakapagpahinga na ang lahat, kaya balik na naman tayo sa pagkayod at paghahanap ng hustisya!

 

vuukle comment

BIYERNES SANTO

GIGI REYES

JANET LIM NAPOLES

JUAN PONCE ENRILE

MARAMING

NOONG MIYERKULES

PARA

RUBY TUASON

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with