^

PSN Opinyon

Muling Pagkabuhay

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

HIGIT na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang Mu-ling Pagkabuhay ni Hesus kaysa Kanyang pagsilang, sapagka’t ito ang katuparan ng misyon ng Ama sa langit. Patawarin ang kasalanan ng Kanyang nilikha sa pamamagitan ng Kanyang bugtong na Anak na si Hesus.

Sabi ni Lukas sa Gawa ng mga Apostol: “Saksi kami sa lahat ng ginawa Niya sa lupain ng mga Judio at Jerusalem … Siya’y ipinako nila sa Krus … muli Siyang binuhay ng Diyos sa ikatlong araw … napakita Siya sa mga pinili ng Diyos bilang mga saksi.” Araw ngayon ng Maykapal, magalak tayo at magdiwang.

Paalaala ni Pablo na binuhay tayong muli, kaya pagsumakitan natin ang mga bagay sa langit na kinaroroonan ni Hesus na nakaupo sa kanan ng Diyos Ama. Makalipas ang tatlong araw pagkalibing kay Hesus ay nagtungo sina Maria Magdalena, Pedro at alagad na mahal ni Hesus sa libingan. Nasaksihan nila na naalis na ang batong panakip dito, ang lino at panyong ibinalot sa ulo ay naka-tiklop sa isang tabi. Nang makita ito ng mahal na alagad ay naniwala na kailangan muling mabuhay si Hesus.

Ito ang pinaka-mahalaga at pinaka-dakilang pagdiriwang ng mga Kristiyano na si Hesus ay Muling Nabuhay. Nagtagumpay ang Panginoon: Siya’y naging tao sa pagkapanganak sa Kanya ni Maria; nangaral ng Mabuting Balita; nagpatawad sa ating mga kasalanan; nagpakasakit upang sagipin tayo sa kasamaan at muli Siyang nabuhay na tanda ng Kanyang tagumpay para sa atin.

Kaya tayo rin ay magdiwang at magpasalamat sa Kanya. Pinamanahan tayo ng isang misyon na tayo rin ay dapat magpakasakit, labanan ang kasamaan upang sa pagdating ng panahon ay makapiling sa Kanyang kaharian. Ang ating  tunay at wagas na tahanan ay ang kalangitan.

Sumama tayo sa salubong ni Hesus at ng Kanyang inang si Maria. Ito ang tanda ng muling pagkikita ng mag-ina na pawang kaluwalhatian at gantimpala sa Kanila ng Ama sa langit. Ito ang tagumpay ng kanilang Misyon dito sa lupa.

Gawa 10:34a, 37-43; Salmo 117; Colossians 3:1-4 at Juan 20:1-9

* * *

Happy 2nd birthday to Carlos Joaquin Lleva.

vuukle comment

CARLOS JOAQUIN LLEVA

DIYOS

DIYOS AMA

GAWA

HESUS

KANYA

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with