^

PSN Opinyon

Pakinabangan ang Ilog Pasig

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISA sa mga planong gawin para makabawas sa kalbaryo ng publiko na dulot ng matinding trapik bunsod ng pag-umpisa sa ilang mga malalaking proyekto sa lungsod, ay buhayin muli ang Pasig River ferry. Dalawang beses nang sinubukang pakinabangan ang Pasig River bilang pangunahing daanan para sa pampublikong transpor-tasyon. Nagsara ito noong 2011 dahil daing ng operator ay hindi na kumikita ang ferry. Kumonti nang kumonti ang mga pasahero. Ang ilang mga reklamo ng mga pasahero noon ay hindi raw masabi kung kailan dadating ang mga ferry sa mga stasyon. Wala ngang trapik, pero mara-ming balakid din ang ilog tulad ng matinding water lily. At may mga oras na matindi ang amoy ng ilog. Kaya kahit naka-aircon pa ang mga ferry, nakakapasok pa rin ang “halimuyak” ng tubig. Kaya nagsara na lang.

Hindi ko alam kung paano nila sosolusyunan ang mga reklamong ito. May matinding amoy pa rin ang ilog. Maraming water lily. Kung sa pagdating naman ng mga ferry, kapag nadagdagan ang mga ferry, mas mapapabilis ang pagdating nila sa mga istasyon. Pero ibig sabihin ay kailangang bumili ng karagdagang ferry. Para sa magpapatakbo ng ferry, malaking labas ng pera iyan, malaking sugal iyan.

Ayon kay Sen. Ralph Recto, puwedeng arkilahin ng gobyerno ang mga barko sa dating nagpatakbo ng ferry. Nandyan pa naman daw ang mga istasyon. At tulad ng MRT kung saan bahagyang sagot ng gobyerno ang pamasahe, ganun din daw ang dapat gawin sa ferry. Sa madaling salita, ang gobyerno na ang magpapatakbo. Hindi na raw dapat iniisip kung kikita o hindi. Dapat tinitingnan ito bilang serbisyo sa publiko, habang ginagawa ang mga malalaking proyekto sa Metro Manila. Ang matinding trapik ay siguradong makaaapekto sa ekonomiya ng lahat. Kaya kung makakatulong ang Pasig River ferry para maiwasan ito, dapat lang buhayin, ayon sa senador. 

Maraming bansa sa rehiyon ang pinakikinabangan nang husto ang kanilang mga ilog. Mga bansa tulad ng Vietnam, Thailand, Myanmar at Cambodia. Kasama na rin ang Hong Kong bagama’t dagat na ang binabaybayan ng kanilang mga ferry. May pampublikong transportasyon ang kanilang mga ilog. Dapat tayo na rin, lalo na ngayon at magmimistulang paradahan na ang ilang panguna-hing kalsada.

vuukle comment

AYON

DAPAT

FERRY

HONG KONG

KAYA

MARAMING

METRO MANILA

PASIG RIVER

RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with