^

PSN Opinyon

Si Korina at Anderson

- Roy Señeres - Pilipino Star Ngayon

NAGKAROON ng “word war” sina Korina Sanchez at Anderson Cooper ng CNN, dahil sa diumano’y mga uncalled for statement ni Anderson na wala raw “in charge” sa Tacloban City matapos manalasa si Yolanda. Kung nagalit si Korina, puwede kong sabihing “righteous indignation” yon. Marami namang maaring iulat si Anderson tulad ng kung gaano kataas ang storm surge, gaano kalawak ang tinamaan ng sakuna, ilang pamilya ang nawalan ng bahay at kamag-anak at iba pa, pero ‘yung mag-akusa siya na walang “in charge” ay unfair. Imposible namang walang “in charge”. 

We have to assume na hindi naman ganoon kapabaya ang pamahalaan ng Pilipinas. Ang inasahan kasi ni Anderson ay tulad noong response ng mga Hapones sa tsunami na tumama sa Kyoto. Maliit lang yung tsunami kung ihahambing kay Yolanda at nangyari ‘yun in broad daylight na walang 315 kph winds at kitang-kita ng mga awtoridad kung gaano kalaki at kalawak ang surge ng tubig dagat. Kaya napaka-unfair ang comparison.

Malisyoso pa ang sinabi ni Anderson na kaya raw nagalit si Korina ay dahil asawa siya ni Mar Roxas na Secretary of Interior and Local Government. Neither here nor there ang banat ni Anderson. Si Mar ay Vice Chairman lamang ng NDRRMC and yet nakikita naman ng lahat na siya, si DSWD Secretary Dinky Soliman at of course si P-Noy ang talaga namang nagsumikap na tumulong sa mga nasalanta ni Yolanda. Si Defense Secretary Volts Gazmin ang talagang Chairman ng NDRRMC at si Gen. Eduardo del Rosario ang Executive Director nito. 

Naniniwala ako na ang ginawa ni Korina ay hindi pampersonal para lang makadepensa sa love niyang si Mar Roxas, pero kung ganoon man, saludo pa rin ako sa kanya dahil, ika nga, she’s one wife who knows how to stand by her man.

vuukle comment

ANDERSON COOPER

EXECUTIVE DIRECTOR

KORINA

KORINA SANCHEZ

MAR ROXAS

SECRETARY DINKY SOLIMAN

SI DEFENSE SECRETARY VOLTS GAZMIN

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with