^

PSN Opinyon

Mga karapatan ng pasyente

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

PAANO ba mapoprotektahan ang dignidad at karapatan ng mga pasyente? Si Dra. Teresita Sanchez ay isang respetadong doktor at isa ring magaling na abugada. Dalawa ang kanyang propesyon, kaya nakikita niya ang bawat anggulo ng problema.

Ayon kay Dra. Sanchez, ito ang ilan sa mga karapatan ng pasyente:

Karapatang malaman ang kanyang tunay na sakit.

May pagkakataon na hinihiling ng kamag-anak na itago ang tunay na sakit ng pasyente. Mahirap ang ganitong sitwasyon at dapat timbangin kung ano ang makabubuti sa pasyente.

Karapatang malaman ang gamutan at ang posibleng komplikasyon nito.

Kailangan ay maipaliwanag maigi ng doktor sa pas-yente ang gamot o operasyon na binabalak gawin sa kanya.

Karapatang malaman kung may alternatibong ga­mutan sa kanyang sakit.

Maganda sana kung lahat ng doktor ay nagbibigay ng mga options sa pasyente. May mas mahal na paraan at may mas murang gamutan.

Karapatang bigyan ng respeto at konsiderasyon ang pasyente.

Ito siguro ang pinaka-importante sa lahat. Mayaman man o mahirap, dapat bigyan ng sapat na pag-alaga.

Karapatang maging pribado ang usapin tungkol sa kanyang sakit.

Hindi dapat ikuwento ng doktor sa ibang tao ang karamdaman ng isang pasyente, lalo na kung sensitibo ang sakit.

Karapatang tumanggi sa gamutan, pagkatapos maipaliwanag sa kanya ang benepisyo at peligro nito.

Sa huli ay ang pasyente pa rin ang magdedesisyon sa katawan niya. Ang doktor ay nandiyan lang para magbigay ng payo.

Karapatang makuha ang kanyang medical records at laboratory results.

Lagi kong tinuturo sa pasyente na i-xerox at ilagay sa folder ang lahat ng lab results. Dalhin itong folder sa bawat konsulta sa doktor. Napakahalaga nito.

Karapatang malaman ang bawat item sa billing ng ospital.

 

Ang walong karapatan na nailista rito ay dapat malaman ng bawat doktor, nars at pasyente. Salamat sa mga payo ni Doktora at Attorney Teresita Sanchez.

vuukle comment

ATTORNEY TERESITA SANCHEZ

AYON

DALAWA

DALHIN

DOKTOR

DRA

KARAPATANG

PASYENTE

TERESITA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with