PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Isa pang senador binigyan din ni Napoles ng Montblanc pen

ALAM n’yo bang binigyan din ni Janet Napoles ng Montblanc pen ang   isa pang senador.

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Judge Celso Baguio ng Gapan, Nueva Ecija RTC, Egay Macabeo ng BOC-NAIA, Bro. Robert Liao, Eduard Sevilla at RC Conde ng Metrobank.

 Ayon sa aking bub­wit, kung niregaluhan ng mamahaling Montblanc pen ni Napoles ang isang kaibigan niyang senador, binigyan din pala niya ng Montblac pen ang isa pang senador. Magkaiba nga lamang ang klase at presyo ng dalawang mamahaling fountain pen.

Yung ibinigay ni Napoles sa kaibigan niyang senador ay nagkakahalaga ng P65,000 samantalang ang ibinigay sa isa pang senador ay mas mura. Hindi na binanggit kung magkano. Ang mga super mahal na fountain pen ay binili sa branch ng Montblanc shop sa Rustan’s Makati City.

Ayon pa sa aking bubwit, ang mga natu-rang pen ay personalized pa. Pina-engrave pa ni Napoles ang pangalan ng dalawang senador.

Ang dalawang senador na niregaluhan ni Napoles ng mamahaling pen ay sina senators... ‘Yung isa ay naging kontrobersiyal kamakailan dahil lumabas pa ang litrato niya at kanyang misis na kasama ang mag-asawang Janet at Jimmy Napoles.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang misis ni Senador ay napabalita ring inililibre ni Napoles sa kanilang mga biyahe sa abroad. Siya ay si Sen. F. as in Fountain pen.

At ang isa pang senador na niregaluhan din ng Montblanc pen ay si Sen. B. as in Binoy.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: