PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Guwapong congressman boyfriend ni Kris Aquino

ALAM n’yo bang may bago nang boyfriend si Kris Aquino?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Danny Javier ng Apo Hiking Society, Ramil Paican ng DYRC-Cebu, Jun Suter ng DXGO-Davao, Normita How ng Davao City at Manang Lily dela Peña.

Matapos ma-annul ang kasal ni Kris kay James Yap, meron na siyang bagong boyfriend na isang guwapong congressman sa Metro Manila.

Nagsimula ang love affair ng dalawa bago pa ang May 13 elections. Tumulong kasi si Kris sa kampanya ng neophyte politician sa kanilang distrito noong nakaraang eleksiyon. 

Dahil kay Kris at siyempre dahil na rin sa impluwensiya ng pamilya ni Congressman, siya ay madaling nanalo kahit baguhan sa pulitika.

Madalas magkita ang dalawa sa The Fort, Taguig City. Ang hangout nila ay ang The Slice Bakeshop na pag-aari ng kapatid na babae ni Congressman.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon sa aking bubwit, mukhang in-love nang husto si Kris sa siyotang congressman dahil humihingi siya ng tips sa mga dati nitong girlfriends. Tinatanong kung ano ang mga gusto at weakness ni Congressman.

Ang mga tinanong ni Kris ay ang ex-girlfriends ni Congressman na si actress KC Concepcion, Liz Uy at Bianca Gonzales. 

Ang siyotang congressman ni Kris ay si… siya ay kapatid ng dalawang senador at naging director noon sa isang TV network. Siya si Congressman L.C. ng Metro Manila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: