^

PSN Opinyon

18 pagkaing pampapayat at 7 nakatataba

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

SA aking mga dating artikulo, nailathala ko ang 18 pagkaing pampapayat. Ito ang mga dapat kainin ng mga taong nagdi-diyeta dahil bukod sa mababa ito sa calories, masustansya pa ito. Heto ang ating listahan:

Gulay at ensalada. Mataas sa fiber ang gulay at nakabubusog.

Suha at grapefruit. May taglay na acid na naka­babagal ng digestion.

Mansanas. May pectin na nakabababa ng kolesterol.

Peras. Mas mayaman pa sa fiber kumpara sa mansanas.

Itlog. Magandang almusal at nakabubusog.

Saging. Masustansya at may tulong sa mga may ulcer at nag-e-ehersisyo.

Beans. Mayaman sa protina at bitamina.

Suka. Ang pag-inom ng isang basong tubig na may 2 kutsaritang suka bago kumain ay nakapapayat. Mag-ingat lang kung ika’y hyper-acidic.

Tofu at tokwa. Mabuti ito sa ating puso at buto.

Green tea. Nakababawas ng taba sa atay (fatty liver).

Brown rice at wheat bread. Makaiiwas tayo sa diabetes, ayon sa Harvard School of Public Health.

High-fiber cereals. Mas healthy sa katawan at nakapapayat din.

Matatabang isda tulad ng tilapia, sardinas, mackerel at salmon.

Low-fat milk at yogurt. Mas mababa sa taba kumpara sa regular na gatas.

Oatmeal. Nakabababa ng kolesterol sa katawan.

Manok at turkey na walang balat. Pinakamababa ito sa taba, kumpara sa karne. 17. Laman ng karne pa­ minsan-minsan. Tanggalin ang lahat ng taba sa kar-neng baboy at baka bago lutuin.

18. Tubig. Ang pag- inom ng tubig bago kuma-in ay nakabubusog. Ang tubig ay walang calories  at hindi nakatataba.

Heto naman ang lista­han ng pitong pagkaing nakatataba na dapat natin limitahan. Ang mga pagkaing ito ay nailathala na nang maraming organi­sasyon (tulad ng American Heart Association at American Dietetic Association), nutritionists, doktor, researchers at siyentipiko na nakatataba.

1. Pritong pagkain (fried foods) dahil mataas ito sa taba at mantika.

2. Donuts at pastries dahil mataas sa calories at asukal.

3. Candy, chocolate at mga matatamis. Mataas ito sa asukal at calories.

4. Matatamis na juices at soft drinks, dahil mataas ito sa asukal. Uminom na lang ng tubig na walang calories. Puwede rin ang mainit na tsaa.

5. Potato chips dahil sa sangkap na asin at mantika.

6. Bacon, hot dogs at sausage dahil may halo itong taba at preservatives.

7. Hamburgers dahil mataas sa taba.

Dagdag payo para pu­mayat: Subukang kumain ng 5 o 6 beses sa isang araw pero pakonti-konti la­mang. Ang isang mansanas o saging ay puwedeng meryenda na. Kasama ang regular na pag-eehersisyo, piliin natin ang mga nasabing healthy foods na nakapapayat pa. Good luck!

vuukle comment

AMERICAN DIETETIC ASSOCIATION

AMERICAN HEART ASSOCIATION

DAHIL

HARVARD SCHOOL OF PUBLIC HEALTH

HETO

MATAAS

TABA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with