^

PSN Opinyon

Teritoryo

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

INARESTO ng coast guard ng Japan ang taga-China na kapitan at ang kanyang bangka, dahil sa hinala na iligal na nangingisda sa ekslusibong economic zone. Ang Japan, tulad ng Pilipinas, ay may 200-kilometer exclusive economic zone. Ang pinagkaiba natin sa Japan, may kakayahan ang Japan na bantayan at protektahan ang kanilang ekslusibong sona. Tayo, tinatawanan lang ng China dahil hindi natin mapatupad at maprotektahan ang ating 200 kilometrong exclusive economic zone!

Malaking isyu talaga ang teritoryo ngayong panahon. Nagsimula ang masinsinang pag-aangkin ng Scarborough Shoal at mga isla sa Spratlys noong isang taon. Bigla na lang naging madiin ang China sa kanilang pag-aangkin sa buong karagatan. Kaya naman umalma ang Japan, Vietnam at Pilipinas. Katunggali rin ang Russia sa ibang bahagi ng dagat! Alam na rin natin ang pag-aangkin ng Sultan ng Sulu sa Sabah. Nagpadala ng ilangdaang tauhan, karamihan armado, para angkinin na lang ang Sabah. Ngayon, nahaharap sila sa depensa ng bansang Malaysia, at dumanak na nga ang dugo.

Lumiliit na nga siguro ang mundo, gawa ng paglaki ng populasyon. Hindi na rin siguro sapat ang mga likas na kayamanan ng bawat bansa, kaya humahanap ng mga dahilan para angkinin ang ibang teritoryo. Malakas ang hinala na mayaman sa langis at natural gas ang sahig ng karagatan sa Scarborough Shoal at Spratlys, kaya inaangkin na ang China sa paraan na hindi na bagay sa panahon ngayon. Ayaw idaan sa maayos na dialogo sa isang international body. Ang gusto lamang ay idaan sa lakas militar.

Sa sitwasyon naman sa Sabah, hindi ko talaga alam ang makatwirang paliwanag sa ginawang pagpunta na lang doon at angkinin ito. Kung matagal na isyu na nga ito, bakit ngayon lang, at sa ganitong paraan inaangkin na ang teritoryo? Maraming mga haka-haka at kuro-kuro ang  lumulutang ngayon. Pero ang maliwanag, kung sa paraan ng baril idadaan, walang magandang kahihinatnan ang magaganap. Maaaring mataboy nga ang mga tauhan ng Sultan, o maaari ring tumagal ang labanan kung hindi matataboy basta-basta ang mga tauhan. Ito na rin ang dahilan kung bakit hindi nakikialam ang gobyerno ng Pilipinas sa gulo. Wala sa pamahalaan ang may gustong lumaki ang sunog. Tila ang Sultan at ang kanyang mga tauhan lamang ang gustong hilahin ang buong bansa sa isang digmaan laban sa Malaysia. Tulad ng sinabi ko, hindi na ganito ang pamamaraan para solusyunan ang mga isyu hinggil sa teritoryo, dahil wala ngang mangyayaring maganda. Sana naman isipin ng lahat ng panig iyan, bago manisi at magtututuro!

vuukle comment

ALAM

ANG JAPAN

AYAW

BIGLA

PILIPINAS

SABAH

SCARBOROUGH SHOAL

SPRATLYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with