^

PSN Opinyon

Mabuti na ang may kakampi!

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita. Nagkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at Japan na palakasin ang kanilang pagkakaisa, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang hukbong mandaragat. Alam na natin kung bakit, di ba? May kaugnayan ito sa ating pagtatalo sa China ukol sa ilang isla sa karagatan, isang bagay na problema rin ng Japan. At dahil malakas na ang relasyon ng Pilipinas at Japan, matutulungan tayo ng mayamang bansa. Nakahandang magpahiram ng karagdagang pera ang Japan sa Pilipinas, para mapalakas at mapaganda ang ating coast guard, o ang sangay ng miltar na nagbabantay ng ating teritoryo.

Komunikasyon, inprastraktura, lakas-tao, pati na rin ang posibilidad ng pagbili ng 10 barko para sa coast guard. Lahat ito handang itulong ng Japan. Malinaw na malaking bagay ang may kakampi sa rehiyon, lalo na kung China ang kaharap. Binatikos ng Japan ang China sa kanilang pagkunsinti sa mga marahas na protesta laban sa mga Japanese company sa China. Maraming nasirang kagamitan at may nasaktan pang mga tao. Hindi raw dapat pinabayaan ng China na maganap ang mga marahas na protesta. May kaugnayan ito sa Senakaku Islands, na pag-aari ng Japan pero siyempre inaangkin ng China.

Mabuti at may malinaw tayong kakampi sa problemang ito. Plano rin ng Japan na palakasin ang relasyon sa mga iba pang bansa sa rehiyon, para magkaisa lahat. Wala rin sa interes ng Japan ang isang dagat na pag-aari lahat ng China. Bagama’t lahat ng mapayapang paraan para masolusyunan ang problemang ito, mabuti na rin ang handa kahit papano. At dahil malakas na ang Japan, nais nitong palakasin ang ibang bansa na wala naman silang kaalitan.

Magandang balita ang pakikipag-ugnayan sa atin ng Japan. Agresibo na ang China sa kanilang pag-aangkin ng karagatan. Marami na silang barko sa paligid ng mga pinagtatalunang isla. At patutuparin pa rin daw nila ang pagharang at pagsampa sa mga barko na sa tingin nila ay nasa loob ng kanilang teritoryo. Kung saan magtutungo ang sitwasyong ito, hindi pa natin alam. Mabuti na lang at hindi na tayo nag-iisa!   silang kaalitan.

Magandang balita ang pakikipag-ugnayan sa atin ng Japan. Agresibo na ang China sa kanilang pag-aangkin ng karagatan. Marami na silang barko sa paligid ng mga pinagtatalunang isla. At patutuparin pa rin daw nila ang pagharang at pagsampa sa mga barko na sa tingin nila ay nasa loob ng kanilang teritoryo. Kung saan magtutungo ang sitwasyong ito, hindi pa natin alam. Mabuti na lang at hindi na tayo nag-iisa!

 

vuukle comment

AGRESIBO

CHINA

JAPAN

KANILANG

MAGANDANG

MARAMI

PILIPINAS

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with