^

PSN Opinyon

Editoryal - Madaliin ang relief goods

Pilipino Star Ngayon

MARAMI ang nagugutom sa tatlong bayan sa Davao Oriental at sa isang bayan sa Compostela Valley na grabeng hinagupit ng bagyong Pablo. Desperado na ang marami sa kanila at halatang hindi na mapipigil sa pagdaluhong kapag may dumating na relief goods. Pero ang masaklap, mabagal ang pagdating ng tulong na pagkain mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Naunahan pa ang DSWD ng mga grupo mula sa pribadong sector. Nasaan na nga ba ang DSWD at mabagal umusad ang mga truck na may dalang pagkain? Kung ang mga pribadong grupo ay mabilis na nakapaghanda ng mga tulong na pagkain, tubig at damit sa mga nasalanta, bakit hindi ito agarang magawa ng DSWD at iba pang tanggapan. Natutulog ba sa pansitan ang mga pinuno sa DSWD?

Kalunus-lunos ang tanawin sa tatlong bayan sa  Davao Oriental --- Cateel, Baganga at Boston na grabeng winasak ng bagyo. Lahat ng mga bahay ay nawasak. Lahat nang tanim ay natumba. Maraming troso ang nakahambalang sa mga kalsada. Mara-ming tulay ang nawasak. Ang kalsada ay punumpuno ng putik at ang nakapanghihilakbot na tanawin ay ang mga taong galit na galit dahil wala pa raw dumarating na tulong mula sa gobyerno. May mga umiiyak sapagkat inaalala nila ang mga anak na nagugutom. Kinalimutan na raw ba sila ng gobyerno? Bakit daw napakatagal ng relief goods? May mga taong hinaharang na ang mga motorista para makahingi ng tulong o limos.

Sa New Bataan, Compostela Valley ay mas ma-tindi ang nararanasang gutom sapagkat ang mga truck na nagdadala ng relief goods ay hinaharang na ng mga residente. Sa takot ng mga drayber ng truck, hindi na sila tumutuloy sapagkat maaaring dumugin at pagkaguluhan ng mga tao. Kahapon ay inihagis na lamang ang mga naka-plastic na relief goods na kinabibilangan ng isang kilong bigas, isang supot na noodles at tatlong pirasong tuyo.

Walang sistema ang DSWD sa paghahatid ng relief goods. May mga lugar na nahahatiran ng pagkain pero mas marami ang hindi. Maraming dumarating na tulong sa ibang bansa pero ang nakapagtataka ay bakit hindi ito mahatid agad-agad.

Gumawa sana ng paraan ang pamahalaan para maipamahagi ang mga pagkain sa nasalanta ng bagyong Pablo.

vuukle comment

BAGANGA

BAKIT

CATEEL

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

LAHAT

MARAMING

SA NEW BATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with