Call center agent kinursunada, sinaksak ng tambay
MANILA, Philippines — Siyam na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang call center agent na nakaratay ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) nang dahil sa pang-iisnab umano sa lalaking tumatawag sa kaniya sa daan sa Sta. Cruz, Maynila, inulat kahapon.
Sugatan sa dibdib, likod at hita ang biktimang si Charles Melvin Cruz, 21, residente ng Tondo, Maynila, na ayon sa ulat ay nasa ligtas nang kondisyon.
Inaalam pa ang pagkilanlan ng suspek na pinaniniwalaang drug addict na nanaksak sa biktima. Tina-ngay din ng suspect sa pagtakas ang cell phone ni Cruz.
Sa ulat ni PO1 Rudolf Fajardo ng Manila Police District-Station 3, naganap ang insidente dakong alas-2:50 ng madaling araw sa panulukan ng Tayuman at Oroquieta Sts., Sta. Cruz.
Nagtungo umano sa lugar ang biktima para makipag-kita sa isang kaibigan at habang naglalakad ay tinawag ito ng suspek na hindi niya binigyang-pansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Walang malay ang bikti-ma na sinundan siya ng suspek at saka inundayan ng sunud-sunod na saksak.
Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis sa suspect.
- Latest