^

Metro

Dalaga, sugatan sa ligaw na bala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 23-anyos na dalaga na naghahanda nang magtrabaho bilang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasa malubhang kondisyon makaraang tamaan ng ligaw bala na tumagos sa bubungan ng isang bahay kung saan siya nag­te-training sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Caloocan City Medical Center ang biktimang nakilalang si Michelle Regosante, 23, tubong Buayan Town Site, General Santos City at pansamantalang nanunuluyan sa isang bahay sa Brgy. 28 Sawata na inuupahan ng kanyang recruitment company.

Sa inisyal na ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa naturang barangay. Nasa kasagsagan ng pag-aaral ang biktima kasama ang nasa 100 pang trainee ng ‘Arabic languange’ nang biglang makaramdam ng pag-iinit ng katawan hanggang sa mawalan ng malay at duguan na.

Mabilis siyang sinaklolohan ng mga kasamahan at isinugod sa CCMC. Dito nadiskubre na tinamaan ang biktima ng isang bala na tumagos buhat sa bubungan ng bahay at tumama sa kanyang balikat patungo sa may dibdib.

Masuwerte naman na hindi bumaon ang bala sa puso ng biktima.  Nabatid na malapit nang lumipad patungo sa Saudi Arabia ang biktima bilang ‘domestic helper’ dahil sa patapos na ang kanyang kurso sa Arabic language.

Isang bala buhat sa isang .9mm pistol ang natagpuan sa bahay. Ipinag-utos naman ni Caloocan City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo ang masusing imbestigasyon upang matukoy kung sino ang taong nagpaputok ng baril sa lugar upang madakip at mapanagot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with