^

Metro

Wild wild west sa videoke bar: 6 sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang anim katao matapos madamay sa barilan ng dalawang grupo na nagpang-abot sa loob ng isang vi­deoke bar sa Tondo, Maynila.

Ginagamot sa  Mary Johnston Hospital at Gat Andres Hospital sina Nelda Clemente, 74, vendor; Ely Almoete, 25, vendor; Erljin Lacorte, 19, helper; Junel Tabudlang, 29, safety officer; Josephine Dagoy, 52, at Ian Gumabon, 16 na isa sa mga armado ng baril  bunsod ng tama ng mga bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay PO2 Reyzen Del Rosario ng Manila Police Distirct Station 2, habang masayang nag-iinuman ang dalawang grupo sa loob ng Glenn Videoke Bar sa Padre Rada St. nang magkakursunadahan.

Dito na nagsimula ang tensiyon hanggang sa humantong sa palitan ng putok ng baril ang dalawang grupo.

Paliwanag ni PO2 Del Rosario nagmistulang Wild Wild West ang scenario sa loob ng videoke bar kung saan sa ram­bulan ng dalawang grupo Ang masaklap umano ang mga walang kinalaman ang siyang nadamay at tinamaan sa kanilang pagbabarilan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with