^

Metro

Lola patay sa sagasa, tinakbuhan pa

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 64-anyos na lola matapos itong ma- hit and run ng isang Toyota Vios habang tumatawid sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Sanhi ng tinamong matin­ding pinsala sa ulo at sa kata­­wan, dead on arrival sa Villa­mor Hospital ang biktima na nakilalang si Edith Ranola, na­­ninirahan sa Villamor Pasay City.

Sa pagsisiyasat ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente ala-1:00 ng ma­daling araw sa harap ng Villamor Air Base golf course, patungong SLEX  sa naturang siyudad.

Nabatid na papatawid ang biktima sa lugar at hindi nito namalayan ang palikong  kulay pulang Toyota Vios na hindi naplakahan.

Dito na nasagasaan ang lola at sa lakas nang pagka­kabangga ay tumilapon ito.Kaagad namang tumakas ang sasakyang nakasagasa dito at ang biktima naman ay mabilis na isinugod ng rescue team sa naturang ospital, subalit hindi na umabot pang buhay.

Samantala nanawagan na­man ang Pasay City Police sa kamag-anak ng biktima na makipag-ugnayan sa kanilang istasyon para sa imbestigas­yon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with