^

Metro

Kasapakat ng pyramiding scam queen, arestado ng NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasabwat ng kontrobersiyal na pyramiding scam queen dahil sa kasong syndicated estafa paglabas nito sa isang religious gathering kung saan siya ang speaker sa Cabanatuan City.

Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang suspek na si Randy Rubio, isa sa mga kasamahang akusado ng pyramiding scam queen na si Rosario Baladjay, sa bisa ng warrant of arrest.

Si Baladjay ay naaresto at sinentensiyahan sa kasong syndicated estafa noong Disyembre 3, 2012, na pinagtibay din ng Korte Suprema noong Hulyo 26, 2017.

Nauna dito, isang impormasyon ang natanggap ng NBI-Technical Intelligence Division (TID) na ang suspek ang speaker­ sa isang religious gathering sa Cabanatuan City noong Jan­uary 19.

Bunsod nito, ipinag-utos ni Gierran sa NBI-Cabanatuan District Office (NBI-CABDO) na bantayan ang suspek at hintayin na matapos ang religious gathering kung saan ipinababawal sa batas na guluhin o arestuin sa kalagitnaan ng pagtitipon.

Dahil dito, paglabas ni Rubio sa gate ng compound at palabas ito mula sa isang sasakyan ay pinara ito ng NBI at ipinakita ang warrant of arrest saka ito inaresto. Walang inirekomendang­piyansa sa naarestong suspek.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with