^

Metro

MMDA, I-ACT nagbigay ng libreng sakay

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbigay ng libreng sakay kahapon ang Metropolitan Ma­nila Development Autho­rity (MMDA) at Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa mga pasaherong naapektuhan­ sa kanilang ope­rasyon kontra mga bulok at mausok na mga sa­sakyan.

Kahapon ay isinagawa ang ‘Ang tanggal bulok, tanggal usok’ campaign ng MMDA sa pamumuno ng chairman nito na si Danilo Lim katuwang ang Land Transportation Office (LTO) sa kahabaan ng  Nepomuceno at  Arlegui  Sts., sa Maynila at kanilang na-impound  ang dalawang lumang  dilapidated jeepneys.

Anim na sasakyan ang hinatak ng tow truck ng MMDA dahil nakaparada sa bawal at 32 motorista ang tinikitan dahil naman sa mga paglabag sa batas trapiko.

Ang I-ACT naman ay nag­sagawa ng operasyon sa Southern Metro Manila at ka­bilang sa apektadong lugar ay ang area ng Las Piñas City.

Nag-deploy ang I-ACT ng 38 government vehicles  tulad ng mga military trucks at 20 buses upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasaherong naapektuhan sa ope­rasyon.

Maoobserbahan din na bahagyang maluwag ang da­loy ng trapiko sa mga lugar na apektado sa operasyon dahil walang gaanong mga jeep ang bumiyahe dahil natatakot sa huli.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with