Basilan mayor, pinigil sa NAIA
MANILA, Philippines — Pinigilang makaalis ng bansa ang isang alkalde sa Basilan na nahaharap sa kasong rebelyon, kamakalawa.
Ang pasahero ay nakilalang si Mansul Jamar Abdullah, na inilipat sa pag-iingat ni Joey Moran, hepe ng NAIA- National Bureau of Investigation.
Sinasabing alkalde ito ng municipality ng Hadji Muhtamad sa Basilan.
Napag-alaman na sumulat si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Bureau of Immigration na si Abdullah ay subject for investigation sa kasong rebelyon. Ang liham ay naka-address sa PNP o NBI na ipinagbigay alam sa DND ang pag-alis o pagdating nito at pigilan.
Sinabi ni Marc Red Marinas, hepe ng BI port operation, nag-report sa kanya si immigration officer 1 Aiza Santamina noong Enero 21 para ipagbigay alam na isang Abdullah ang sasakay ng eroplano ng Malaysian Airlines flight MH-805 kaya ito napigilan.
- Latest