^

Metro

Bading pinatay, siniksik sa maleta

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang isang bakla ang natagpuang bangkay na nakasilid sa isang  kulay itim na travelling bag,  kahapon ng madaling araw  sa Pasay City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima,  na may mahabang buhok, nakasuot ng short pants na puro dugo, nasa fetal position at may mga marka sa  leeg nito

Ayon sa pahayag sa Pasay City Police ng vendor na si Dante Ancheta, 33, alas-2:45 kahapon ng mada­ling araw habang binubuksan niya ang kanyang food stall sa Baclaran Terminal Plaza 2 Shopping Center, Park Ave­nue Extension ng naturang siyudad nang makita ang isang kulay itim na travelling bag na nakabalot ng transparent na plastic.

Dahilan upang tawagin ni Yago ang pedicab driver na si Benny Gamurot na pinapunta niya sa Police Community Precinct (PCP) 6, Pasay City Police  upang i-check ang kahina-hinalang  travelling bag.

Nang buksan ng mga pulis ang travelling bag, dito tumambad sa kanila ang bangkay ng isang lalaki, na hinihinalang isang bakla.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with