^

Metro

3 utas sa buy-bust sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong pinaniniwalaang ‘tulak’ ng iligal na droga ang nasawi nang manlaban sa mga operatiba ng Manila Police District-Station 2 na nagsagawa ng buy-bust ope­ration sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) subalit idineklarang patay ang tatlong subject sa inilatag na operasyon na kinilalang sina John Rey Mascarado; Arnel Torres at Ryan Paglinawan, pawang  naglulungga sa loob ng Pier 2, North Harbor,  sa Tondo.

Sa ulat ni Manila Police District-Station 2 comman­der, Supt. Santiago Pascual lll, isinagawa ang buy-bust laban sa tatlo dakong alas-11:25 ng umaga sa loob ng Aduana Business Club Inc,. Pier 2, North Harbor sa pangunguna nina Chief Insp. Rommel Salazar at Chief Insp. Anthony Sy na nagawang makipagtransaksiyon sa pagbili ng P500 halaga ng shabu sa mga suspek.

Nang magka-abutan na ay nakahalata umano ang mga suspek na may mga pulis sa paligid ang papa­lapit kaya agad nila itong pinaputukan.

Gumanti naman ng putok ang mga operatiba at natamaan ang tatlong suspek.

Dinala pa sila sa kalapit na pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay.

Narekober mula sa mga suspek ang isang kalibre 45 baril, 2 kalibre 38; isang sumpak at isang hand grenade at 10 sachet ng   shabu at P500 marked money.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with