^

Metro

2 ‘Akyat-Bahay’ tiklo sa CCTV

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga kagawad ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 ang dalawang sinasabing miyembro ng “Akyat Bahay” gang matapos makuhanan ng CCTV camera ang kanilang ginawang pagpasok at pagnanakaw sa isang bahay sa Barangay E. Rodriguez, Cubao, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Nomer Yapit at Marlon Cabunag, na kapwa 18-taong gulang at residente ng Barangay Silangan sa lungsod.

Nabatid na dakong alas-9:00 ng gabi noong looban ng  mga suspek ang bahay ng isang 92 taong gulang na lola na humiling na huwag ng ihayag ang kanyang pangalan sa Barangay E. Rodriguez.

Sa kanilang pagnanakaw ay nahagip sila ng CCTV camera kaya noong maaresto ay hindi na nagawa pang tumanggi sa kanilang ginawa.

Nakakulong ngayon sa detention facility ng QCPD Station 7 sina Yapit at Cabunag at nahaharap sa kasong pagnanakaw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with