^

Metro

Konstruksyon ng MRT-7 at LRT 1 common terminal umariba na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Konstruksyon ng MRT-7 at LRT 1 common terminal umariba na

Sinimulan na kahapon ang konstruksyon ng Metro Rail Transit 7 (MRT-7) sa may North Avenue sa tapat ng Veterans Memorial Medical Center at inaasahan na matatapos ito sa 2019.  Dahil dito, pinaalalahanan ang mga motorista na iwasan ang nasabing lugar na maaaring magbunsod ang konstruksyon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko. Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang konstruksyon ng “common terminal” ng Metro Rail Transit 7 at Light Rail Transit 1 at inaasahan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Edsa at North Avenue sa Quezon City.

Dahil dito, magdaragdag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng kanilang tauhan upang umalalay sa mga motorista sa inaasahang lalong pagbibigat ng trapiko sa naturang lugar.

 Sinabi ni MMDA Supervising Officer Bong Nebrija, layunin ng dagdag puwersa ng kanilang mga tauhan sa lugar na uma­gapay din sa mga motorista na maaapektuhan sa pagsasara ng ilang lanes ng EDSA at North Avenue.

 Simula alas-6 ng Sabado ng hapon, isinara na ang dalawang lanes ng North Avenue sa pagitan ng Veterans Memorial Medical Center at Agham Road habang alas-11 ng gabi ay inumpisahan na ang aktuwal na konstruksyon.

 Malaking hamon din aniya sa MMDA ang mga pasaway na motorista na ginagawang illegal terminal ang gilid-gilid ng North Avenue at maging ang mga pedicab driver na sumasalungat sa daloy ng trapiko.

 Sinabi ni Nebrija na tututok sila ngayon sa paghuli sa mga pasaway na pedicab driver na nagmumula sa Agham Road at sinasalubong ang North Avenue sakay ang kanilang mga pasahero.  Ilang beses na umano silang nag-operate sa naturang lugar ngunit tinatakasan lamang umano silang mga tsuper na pumapasok sa looban ng mga “slum areas” kaya hindi na nila mahabol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with