^

Metro

MMDA traffic enforcer binangga ng driver!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Bus sinita sa paglabag sa batas trapiko

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang kagawad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcer na tumutupad lang sa kanyang tungkulin nang banggain siya ng bus driver na kanyang sinita bunsod ng paglabag sa batas trapiko sa Edsa, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang traffic enforcer na kinilalang si Constable Ferdinand Junio, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Muñoz, Quezon City ay agad namang naisugod sa pagamutan.

Ayon sa  report, dakong alas-5 ng madaling-araw nang sitahin ni Junio ang driver ng Pascual Liner na si Joseph Ib-ib, nasa hustong gulang dahil nagbaba at nagsakay ito ng pasahero sa hindi tamang lugar sa southbound area ng Epifanio Delos Santos Avenue sa Muñoz, Quezon City.

Pero sa halip na huminto at ibigay ni Ib-ib ang kanyang lisensiya ay binangga nito ang traffic enforcer kaya napabulagta sa kalsada. Sakto namang dumadaan sa lugar ang isang rescue volunteer na si Maynard Kho na siyang agad na tumulong sa nakatihayang biktima at isinugod sa ospital.

Paliwanag naman ni Ib-ib, hindi umano niya napansin ang traffic enforcer kaya niya nabundol.

“Bigla akong napapreno, pero huli na tinamaan ko na siya” paliwanag ng driver ng bus.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with