^

Metro

MRT-3, tumirik uli

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinababa ng tren ang may 450 pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) makaraang tumirik ang biyahe nito kahapon ng hapon.

Batay sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong alas-2:18 ng hapon  nang magkaroon ng technical problem ang isang bagon ng MRT-3 sa Boni Avenue station northbound.

Walang  nagawa ang 450 pasahero kundi bumaba ng bagon matapos silang abisuhan ng pamunuan ng MRT-3  dahil nagkaroon ng electrical failure sa motor ng tren.

Naabala ng anim na minuto at naghintay na lamang sa susunod na bagon ang mga apektadong pasahero patungo sa kani-kanilang mga destinasyon.

Hinatak naman pabalik sa MRT-3 depot sa North Ave­nue, Quezon City ang tumirik na tren.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with