^

Metro

13-anyos lasog sa sagasa ng trak

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 13-taong gulang na estudyante matapos masagi, maipit at sagasaan ng trak sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Alma Espino, 13, grade 7 student na residente ng Gen. Malvar St., Brgy. Batis, San Juan City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Elmer Matibag ng Quezon City Police District (QCPD) Traffic Sector 4, nabatid na ang aksidente ay naganap dakong alas-4:00 ng mada­ling araw sa Aurora Bou­levard corner  Balete Drive, Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City.

Ayon sa testigong si May Cuyos, 13, nakasakay sila ng tricycle kasama ang biktima at ilang pang kaibigan at habang binabagtas ang Aurora Boulevard nang duma­ting ang trak galing namang Balete Drive.

Matulin umano ang takbo ng truck kaya’t nasagi ang tricycle na sinasakyan ng biktima na naka-backride kaya nahulog ito.

Sa halip na huminto ang trak sinagasaan pa umano nito ang biktima at mabilis na tumakas ang driver  kasama ang kanyang pahinante na parehong hindi pa nakikilala.

Agad namang nakapagresponde sa insidente ang pulisya  at grupo ng MMDA rescue team na siyang nagdala sa biktima sa East Avenue Medical Center pero idineklara ring dead on arrival.

Nagsasagawa ngayon ng follow up operation ang mga tauhan ng QCPD Traffic sector 4 para makilala at madakip ang driver ng trak.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with