^

Metro

Mister ‘na-praning’, sariling bahay sinunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mister �na-praning�, sariling bahay sinunog

Binitbit ng mga tauhan ng SWAT ng Pasig City Police ang sinasabing drug user na si Albert Torreon na mistulang wala  pa sa sarili matapos niyang sunugin ang sarili niyang bahay kung saan binantaan pang babarilin ang mga nagrespondeng mga bumbero at pulis sa Pinagbuhatan sa nabanggit ng lungsod. (Kuha ni Boy Santos)
 

Nagrespondeng bumbero tinangkang barilin

MANILA, Philippines — Isang mister ang inaresto  matapos na sunugin ang sariling bahay at nagbanta pa na babarilin ang mga rumespondeng bumbero sa Brgy.  Pinagbuhatan, Pasig City,  kahapon ng umaga.

Kasong arson, grave threats at illegal possession of firearms ang kinakaharap ng suspek na si Albert Torreon, 47, at residente ng Summer Ville, Virginia Street, Brgy. Pinagbuhatan.

Sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-10:00 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa tahanan ng suspek.

Kaagad na rumesponde ang mga  tahanan ng Pasig Bureau of Fire Protection, Pasig City Government at iba pang fire volunteers at naapula ang apoy dakong  alas-10:45 ng umaga.

Tinangka naman ng mga miyembro ng BFP na pumasok sa tahanan ng suspek ngunit binantaan sila ni Torreon na babarilin.

Nakipag-negosasyon naman ang mga awtoridad sa suspek sa pangunguna ni Pasig City Police chief P/Senior Supt. Orlando Yebra Jr., at maayos itong napasuko dakong  alas-12:45 ng tanghali. Tumagal ng may dalawang oras ang isinagawang negosasyon sa suspect.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na may apat na bala.

Sa himpilan ng pulisya ay sinabi ng suspek na may naghahabol umano sa kanya at inamin nito na dati siyang gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with