^

Metro

Salvage victim natagpuan sa Taguig

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakabalot ng t-shirt ang ulo, may duct tape ang leeg at nakatali ang mga kamay nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage kamakala­wa ng gabi sa Taguig City.

Ayon sa report ng Taguig City Police, alas-9:00 ng gabi nang matagpuan ng ilang concerned citizen  ang biktima sa Ruhale St. Brgy. Calzada Tipas ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, walang pagkakakilanlan na nakuha sa biktima na nakasuot lamang ito ng dark blue t-shirt at pulang shorts.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Office ng Southern Police District (SOCO, SPD), nakitang may tama ng bala sa mukha ang lalaki.

May nakuha ring basyo ng bala ng 9mm malapit sa bangkay.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa 5’2 hanggang 5’3 ang taas ng biktima na may edad na 20 hanggang 25 taong gulang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with