^

Metro

Murder vs 2 Caloocan police, isinampa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinampa  na sa korte ng Department of Justice (DOJ)  ang kasong murder laban sa dalawang Caloocan police na sangkot sa pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Sa 35-pahinang resolusyon na inihain sa Caloocan Regional Trial Court, kinasuhan sina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita ay kinasuhan  ng  two counts ng murder.

Magugunitang noong Agosto18, 2017 nang maga­nap ang pamamaslang ng mga pulis kay Arnaiz sa C3 Road, Caloocan City matapos  isumbong ng taxi driver na si Tomas Bagcal na tinangka siyang holdapin.

Si De Guzman naman ay natagpuang patay sa isang creek sa Gapan City, Nueva Ecija noong Setyembre 6, 2017 na tadtad nang saksak sa katawan.

Sina Arnaiz at Kulot ay huling nakitang magkasa-  ma noong gabi ng Agosto 17, 2017 at ayon sa taxi driver na si Bagcal ay magkasama pa ang dalawa na sumakay ng kanyang taxi.

Ang dalawa ay kinasuhan din ng planting of evidence na paglabag sa ilalim ng Section 38 ng Republic  Act No. 10591 o Comprehen­sive Firearms and Ammunitions Regulation Act dahil naman sa mga nasam­sam na marijuana at shabu mula sa mga batang biktima.

Ipinagharap din sina Perez at Arquilita ng dalawang ulit na reklamong torture.

Nakitaan ng probable cause ng DOJ ang reklamong inihain ng mga magulang nina Arnaiz at De Guzman kaya inihain ang kaso.

Samantala, ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban kay Bagcal dahil sa kawalan ng probable cause.

Binigyan ng bigat ng DOJ ang paliwanag ni Bagcal na siya ay binantaan nina Perez at Arquilita kaya na-ging paiba-iba ang kanyang pahayag sa pagkamatay ng dalawang binatilyo.

Ang resolusyon ay aprubado ni Acting Prosecutor General Jorge Catalan at pirmado rin ng mga miyembro ng panel of prosecutors na kinabibilangan nina Senior Assistant State Prosecutor Ma. Emilia Victorio at Assis-tant State Prosecutors Gilmarie Pacamara at Alejandro Daguiso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with