^

Metro

2 lane sa North Avenue, ookopahin sa konstruksyon ng MRT-7

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula sa pito ay lima na lamang ang magagamit na lanes ng mga motorista sa kahabaan ng North Avenue, Quezon City para bigyan daan ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 7 project simula ngayong weekend.

Ito ang nabatid sa isina­gawang press briefing kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA.

Ayon kay MMDA assis-tant general manager for planning Jojo Garcia, tig-isang lane  ng magkabilang panig ng North Avenue ang  ookupahan  para sa naturang proyekto.

Sabi ni Garcia ang naturang konstruksiyon ay may anim na phases, na ang phase 1 ay sisimulan ng alas-12:00 ng madaling araw ngayong Sabado (Enero 20) sa North Avenue mula Veterans hanggang  Agham Road.

Para aniya hindi maaba-la sa trapik, payo ni Garcia sa mga motorista, na umalis aniya ang mga ito ng mas maaga at dumaan sa mga alternatibong ruta.

Nabatid na ang mga motoristang babagtas ng North Avenue kaliwa  ng Mindanao Avenue, kanan ng Road 8, kanan ng Visayas Ave­nue, kanan ng QMC, kanan ng  Commonwealth Avenue hanggang  destinasyon o di kaya mula Mindanao Ave­nue kanan ng Congressional   Ave­nue, kanan ng Luzon Ave­nue hanggang Commonwealth Avenue hanggang  destinas­yon  (vice versa).

Ang mga motorista namang babagtas ng Quezon Avenue  kanan ng QMC,  ka­nan ng Commonwealth Ave­nue hanggang destinasyon  (vice versa).

Ang mga behikulo namang nasa East Avenue, du­maan ng EDSA o V. Luna kanan ng East Avenue  hanggang QMC, kanan ng Commonwealth Avenue hanggang destinasyon (vice versa).

Pinagkasunduan aniya   ito ng MMDA at contractors ng MRT 7 project, kung kaya’t  magiging mas matrapik sa gabi hanggang kinaumagahan, mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng uma-ga at papatawan  aniya ng parusa kapag lumabag sa guidelines ang contractors nito.

“Any movement should be coordinated with the agency and be confined to two lanes,” ani  Garcia.

Nasa 20 traffic enforcers  ang idi-deploy ng MMDA  at 16 flagmen naman para sa contractors na siyang gagabay sa mga motorista.

Base sa record ng ahensiya, nabatid na  kada araw nasa 41,320 behikulong bumabagtas sa North Avenue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with