Compound sa Quezon City grinanada: 3 sugatan
MANILA, Philippines — Tatlo katao ang nasugatan, kabilang ang 9-anyos na batang babae makaraang hagisan ng granada ng mga suspect lulan sa dalawang motorsiklo ang isang compound sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Sumabog ang granada sa compound na pag-aari ni Leandro Ramillo, 66, ng Road 1, Brgy. Bagong Pag-asa dakong alas-8:15 Huwebes ng gabi.
Nakilala ang mga nasuga-tan na sina Alitalia Lou Velas- co, 32: Roderick Sadia, 46 at ang 9-anyos na batang babae.
Ayon kay Ramillo, nanonood siya ng television kasama ang kanyang apo nang marinig niya na tila may nahulog sa kanilang bubong kasunod na nito ang malakas na pagsabog sa labas ng kanyang bahay.
Sinasabing hinagis ang granada sa bubong at nahulog sa lapag sa labas ng bahay saka tuluyang sumabog. Nag-iwan pa ito ng malaking crater dahil sa matinding pagsabog.
Nakaabot sa loob mismo ng bahay ang mga shrapnel na ikinasugat ng bata sa loob ng bahay, maging si Velasco na noon ay naglalakad lamang malapit sa lugar.
Si Sadia na isang Grab driver ay sugatan din sa insi-dente makaraang tamaan ng shrapnel ang glass window ng kanyang sasakyan.
Base sa paunang imbestigasyon dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo ang siyang sangkot sa kaso.
Ayon naman kay Ramillo na wala siyang alam na kaaway na pwedeng gumawa noon sa kanila.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente at ang pagtukoy sa mga gumawa nito.
- Latest