^

Metro

Ginang nag-check in sa mamahaling hotel, gamit ang credit card ng iba, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiklo sa mga tauhan ng San Juan police ang isang ginang matapos siyang mag-check-in sa ‘presidential suite’ sa isang mamahaling hotel gamit ang credit card ng iba sa San Juan City, ka­makalawa.

Kinilala ni Sr. Supt. Lawrence Coop, hepe ng San Juan police, ang suspek na si Eva Castaneda.

Sa reklamo ni Christine Anne Zenarosa, nag-text  sa kanya ang mana­ger ng kanyang banko, para kumpirmahin kung siya nga ang gumamit ng kan­yang credit card na nagbabayad ng P38,786 sa presidential suite sa Greenhills Elan Hotel sa Annapolis, San Juan City.

Sinabi rin sa text massage tungkol sa pag-book ng flight tickets na nagkakahalaga ng P19,000.

“Nagpanik na ako because I know I didn’t make those (transaction). I was just at home,” sabi ni Zenarosa.

Agad na tinawagan ni Zenarosa ang kanyang banko para i-report ang insidente at humingi ng tulong sa pulisya at pinuntahan ang hotel kung saan hinuli ang suspek.

Hinala ni Zenarosa na nakuha ang kanyang credit card information nang kumain sa isang restaurant sa Greenhills noong nakaraang Huwebes.

“I don’t wanna pinpoint but after five days this has happened. Somebody must have had skimming device or card reader,” anang biktima.

Sa ngayon ay naha-harap na sa kasong paglabag sa Republic 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 si Castane­da. Nagbigay naman ng paalala ang pulisya sa publiko si Supt. Coop kung paano makaiwas sa ganitong klase ng modus operandi.

“Kapag magbabayad sa restaurant, ‘wag basta ibigay sa waiter ang credit card sa halip ay sumama sa cashier” ani Supt. Coop.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with