^

Metro

Tensyon umusbong sa pila ng ‘passport on wheels’ sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghari ang tensyon makaraang dagsain ng libong aplikante ang ‘passport on wheel’s ng Department of Foreign Affairs sa Manila City Hall dahilan upang magkasakitan kahapon ng hapon.

Ayon sa Manila Police District Station 5, dahil sa siksikan ay nagka­tulakan at nagkasigawan ang mga walk-in applicant habang pumipila dahil mas binigyang prayoridad ang mga aplikante na nagset ng online appointment sa website ng DFA.

Naging magulo ang pila dahil uminit ang ulo ng mga walk-in applicant na galing pa sa malalayong lugar  hanggang sa rumesponde na ang mga tauhan ng MPD na namagitan sa mga nagkakasagutang aplikante sa pila na nasa compound ng Manila City Hall.

Nabatid na programa ng DFA ang ‘passport on wheel’s para maibsan ang mahabang pila ng mga aplikante sa mga consular office.

Nilinaw ng isang opisyal ng Manila City Hall na ang binigyang priority ay yung mga nakapagsumite na ng application form noong Enero 5 hanggang 10 na ipinadala sa DFA para sa verification  kaya sila rin ang na-accommodate.

 Gayunman, ginawan na rin umano ng paraan na i-accomodate ang mga walk-in applicant upang hindi magkagulo.

Nasa 1,037 ang nabigyan ng aplikasyon maliban pa sa libong dumagsa na walk-in applicant, ani Vice Mayor Honey Lacuna.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with