^

Metro

Shootout: 2 jail guards, 2 pulis utas

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang apat katao kabilang ang dalawang tauhan ng Bureau of Jail Management and Pe-nology (BJMP) at dalawang pulis sa naganap na shootout kahapon ng umaga sa Muntinlu-pa City.

Dead-on-arrival sa Medical Center of Mun­tinlupa ang dalawang jail guard na sina JO1 Felino Salazar, 48, at JO2 Elmer Malindao, 33, kapwa nakatalaga sa Muntinlupa City Jail sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Habang namatay noon din sa pinangya­rihan ng insidente ang sinasabing suspect na nakilalang si PO1 Jover John Lardizabal, na­katalaga sa Police Non Commission Offi­cer (PNCO) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nag­tamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid    na kalibre ng baril.

Ang kasama naman nitong si ex-P03 Arnel Rubio ay hindi na uma­bot ng buhay sa nasa-bing pagamutan.

Nasa custody naman ng Muntinlupa City Police ang isang person of interes na nakilalang si Prison Guard 1 Dee Jay Tanael nakatalaga sa Bureau of Correction (BUCOR) na sinasabing nakita sa kalagitnaan   ng engkuwentro.

Base sa isinumiteng report ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario, alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Brgy. Tunasan malapit sa Muntinlupa City Jail sa nasabing lungsod.

Ayon kay Senior Supt. Dante Novicio hepe ng Muntinlupa City lulan ng isang motorsiklo ang dalawang jail guard nang salubungin at tambangan ng dalawang pulis na lulan ng motorsiklo.

Narinig naman ng mga kasamahan ng BJMP na sina JO1s John Edades, Moldero Sogan at Richard Basiloy ang sunud-sunod na putok ng baril sa labas ng kanilang opisina.

Hanggang nagrepon­de ang mga ito na kung saan nakitang kap­wa duguang nakahandusay na sina JO1 Salazar at JO2 Malindao sa labas ng kanilang tanggapan.

Hinabol naman ng mga tauhan ng BJMP ang dalawang suspect at dito na nakipagpalitan ng putok makalipas ang dalawang minuto dito na kapwa duguang bumulagta ang mga suspect na nadiskubreng sina PO3 Rubio at P01 Lardizabal.

Habang naaresto naman si Tanael na kung saan armado ito ng baril nang makita ito sa nasabing lugar.

Base naman sa pahayag ni Tanael, napa­daan lamang siya sa nasabing lugar.

Sa ngayon isinasa­ilalim sa masusing interegasyon ng pulisya si Tanael. Habang patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigas-yon hinggil sa insidente

Nabatid na sina Sa­lazar at Malindao ay kagagaling lamang sa kanilang magdamag na duty sa Muntinlupa City Jail nang maganap ang insidente.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito pati ang anggulo na may kinalaman sa droga ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with