^

Metro

Magkaibigan tinambangan sa sabungan: 1 patay, 1 sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang kanyang kasamahan makaraang tambangan at pagbabarilin ng nasa anim na salarin pagkalabas ng mga biktima sa sabungan ng Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Manuel Cruz, 59, ng  Navotas City; habang inoobserbahan naman sa Manila Central University Hospital ang kasama niyang si Cris Villanueva.

Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang pana-nambang dakong alas-5 ng hapon sa kanto ng Del Monte Avenue at Mangustan Road, Brgy. Potrero malapit sa Del Monte Cockpit Arena.

Kalalabas lamang nina Cruz at Villanueva sa sabu-ngan makaraang magsugal at magkaangkas sa motorsiklo nang biglang tambangan at pagbabarilin ng mga salarin na sakay naman ng tatlong motorsiklo.

Napuruhan ng bala ang biktimang si Cruz na nalaglag sa pagkakaangkas sa motorsiklo habang tumakas ang nagmamaneho na si Villanueva ngunit sinundan pa rin siya ng mga salarin sa may Gov. Pascual Avenue.

Nakapuwesto naman sa may Del Monte Avenue ang Police Mobile 202 nang ipa­alam sa kanila ang naganap na barilan kaya agad na ru­mesponde ngunit bigo na mahabol ang mga salarin na nagkanya-kanya nang takas.

Pumara naman ni Villa-nue­va ng tricycle at nagpahatid sa ospital makaraang tamaan rin ng bala sa sikmura. Nabatid naman sa background check na kabilang si Villanueva sa drug watchlist ng Navotas City Police.

Dito tinitignan ngayon na maaaring may kinalaman sa iligal na droga ang naturang pamamaslang na malaki ang posibilidad na pinagplanuhan ng mga salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with