^

Metro

Opisyal ng PNP-SAF, natagpuang patay sa loob ng kotse

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang opisyal ng PNP-Special Action Force (PNP,SAF) ang natagpuang patay sa northbound lane ng kahabaan ng South Luzon Expressway, Muntinlupa City, kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktimang si Police Chief Inspector Normandy Sanidad, 45, nakatalaga sa SAF Health Office, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, nakatira sa Las Piñas Subdivision, BPA, Imus Cavite.

Ang naturang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ayon sa inisyal na report na natanggap ng Southern Police District, alas-8:31 ng umaga natagpuan ang du­gu­an at wala nang buhay na biktima mismo sa loob ng mina­maneho nitong kulay berdeng Toyota Corolla na may plakang UAM-325, na bumangga pa sa pader sa Km 25-750, northbound, SLEX sa Muntinlupa City.

Nabatid na ini-report ng isang concerned citizen sa SLEX Traffic Safety management and Security Department Skyway Office ang  insidente.

Kaagad namang nirespondehan ng patroller na si Apolonio Ylarde ang tawag at kaagad na ipinagbigay alam  sa pulisya at dito nga nakita ang duguan at wala nang buhay na biktima.

Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with