^

Metro

16-anyos sugatan sa hinoldap na lady cop

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang isang 16-anyos na binatilyo ma-karaang mabaril ng isang policewoman na kabilang sa kanyang hinoldap at inagawan ng cellphone, kamaka-lawa ng gabi sa Taguig City.

Ginagamot ngayon sa Taguig-Pateros District Hospital ang suspect na itinago sa pangalang Arman, ng  Fort Bonifacio ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, alas- 9:15 ng gabi ng maganap ang panghoholdap sa may East Service Road, Brgy. Wes-tern Bicutan.

Nabatid na sakay ng isang pampasaherong jeep si PO1 Arnisah Acmad, 33, nakatalaga sa Villamor Police Community Precinct ng Pasay City Police at ang suspect,  na nagpanggap na pasahero.

Pagsapit sa bahagi ng East Service Road, nagbu­not ng baril ang suspect at sabay deklara ng holdap na kung saan unang inagaw  ang cellphone ni PO1 Acmad.

Nang makuha na ng suspect ang kanyang pakay at aktong papatakas na ito, dito na nagpakilalang pulis si PO1 Acmad, at sa halip na sumuko ang naturang menor-de-edad, binaril nito ang nasabing lady cop na hindi naman tinamaan. 

Kung kaya’t dito na pinutukan ni PO1 Acmad ang natu­rang suspect at isinugod muna ito sa naturang ospital upang lapatan  ng lunas. 

Ipinahahanda na ni Sou-thern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario ang mga dokumento para  irekomenda na  pagkalooban ng meritous promotion ang pulis dahil sa nagawang kabayanihan nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with