^

Metro

Mag-asawang Tiamzon, pinaaaresto uli ng korte

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinaaaresto na muli ng Manila Regional Trial Court ang mag-asawang sina Benito at Wilma Tiamzon na mga consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa limang pahinang kautusan ni Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ng Manila RTC Branch 32, bukod sa mag-asawang Tiamzon, iniutos din nito ang pag-aresto kay Adelberto Silva.

Ang tatlo ay nahaharap sa 15-counts ng kasong murder dahil sa natuklasang mass grave sa Leyte noong 2006.

Kasabay nito, kinansela rin ng korte ang tig-100 libong pisong cash bond na inilagak ng tatlo para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Ang kautusan ay inisyu ng Manila RTC kasunod ng mosyon ng Department of Justice at ng Office of the Solicitor General para sa muling pagdakip sa mga akusado.

Matatandaan na noong 2016, pansamantalang nakalaya ang tatlo para magkaroon ng partisipasyon sa negosasyon sa pagitan ng GRP peace panel at ng CPP-NPA NDF.

Ayon sa Manila RTC, kasunod na rin ng direktang deklarasyon ni Pangulong Duterte at ng nilalaman ng Proclamation No. 360 na nag­kakansela sa peace talks sa mga rebeldeng komunis­ta, wala nang dahilan para manatiling nakalalaya ang tatlong akusado.

Ang kasong murder na may katapat na parusang reclusion perpetua ay paglabag na walang katapat na piyansa kung ang “evidence of guilt” na iprinisinta ng pro-sekusyon para sa petition for bail ay malakas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with