^

Metro

Bisikleta salpok sa van: 1 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 32-anyos na lalaki makaraang mabundol siya habang nagbibisikleta ng isang delivery van sa pababang bahagi ng kalsada sa Valenzuela City, Lunes ng gabi.

Agad na nasawi dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Gomez Caoyonan Agriam, machine ope­rator, at stay-in sa Rubber Master Corp. sa may Daang Bato, Brgy. Dalandanan ng naturang lungsod.

Arestado naman at nahaharap sa kasong homicide thru reckless imprudence ang driver ng Isuzu Elf aluminum van (RBR-775) na si Julito Dalagan, 53, residente ng  Road 02 6B Lower Bicutan, Taguig City.

Sa ulat ng Valenzuela City Police, nagbibisikleta si Agriam sa may T. Santiago Street, Brgy. Viente Reales, nang maganap ang aksidente dakong alas-9:20 ng gabi.

Binabagtas ng biktima ang pabulusok na bahagi ng kalsada at liliko sana pakaliwa nang mabundol ng kasalubong na van. Tumilapon ang biktima sa kalsada at nagtamo ng matin­ding pinsala sa ulo at katawan dahilan ng kanyang agad na kamatayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with