Mas maraming government employees, huli sa droga -- PDEA
MANILA, Philippines — Mas marami umanong government employees ang naaresto ng mga awtoridad sa isinagawa nilang anti-drug operations noong 2017 kumpara sa mga nakalipas na taon.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, noong 2017 ay nasa 301 government workers, na binubuo ng 129 elected officials, 27 uniformed personnel at 145 government employees, ang kanilang nadakip.
“More and more unscrupulous government workers are involved in the country’s illegal drug trade as shown in the rising number of arrested state workers each succeeding year,” aniya pa.
Sa data, nagkaroon ng gradual increase sa bilang ng mga government workers na naaaresto ng PDEA dahil sa pagkakasangkot sa aktibidad ng illegal na droga mula taong 2011 hanggang 2017.
Anang PDEA, aabot sa kabuuang 1,155 government workers ang nadakip nila sa mga nasabing taon, kabilang ang 301 noong 2017, 231 noong 2016, 201 noong 2015, 190 noong 2014, 138 noong 2013, 65 noong 2012 at 29 noong 2011.
“The significant increase in the arrest of government workers means that authorities are hot on their trails,” aniya pa.
Sakali aniyang mapatunayang guilty, ang mga naturang government workers ay maaaring patawan ng korte ng maximum penalty sa ilalim ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, bukod pa sa absolute perpetual disqualification sa anumang public office o pwesto sa gobyerno.
Tiniyak naman ng PDEA chief na ipagpapatuloy nila ang kanilang mahigpit na kampanya laban sa ilegal na droga, partikular na sa mga taong gobyerno, upang tuluyan nang matuldukan ang pamamayagpag nito at pagsira sa kinabukasan ng mga kabataan.
- Latest