^

Metro

Sunog sa Mandaluyong: 30 pamilya nawalan ng tahanan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kabuuang 30 pamilya ang nawalan ng tahanan at isa ang naitalang nasugatan sa sunog na naganap sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Mandaluyong, dakong alas- 8:37 ng gabi ng sumiklab ang sunog sa junkshop na pag-aari ng isang Felix Lumondang sa Blk. 40, Brgy. Addition Hills ng nasabing lungsod.

Dahil sa maraming basu­­rang nakakalat sa junkshop at gawa sa kahoy ang karamihan sa mga taha­nan­ kaya mabilis na kumalat ang apoy sa mga kalapit na bahay.

Nahirapan din ang mga bumbero sa pagpasok sa nasusunog na mga bahay dahil sa masikip ang kalsada kaya  agad na iniakyat sa ikatlong alarma ang sunog.

Dakong alas-10:22 na ng gabi ng ideklarang fire under­ control na ang sunog na ikinasugat ng isa sa mga residenteng nakilalang lang sa alyas na Kevin, habang ito ay tumutulong sa pag-apula ang sunog.

Lumalabas sa imbestigas­yon na napabayaang nilulutong ulam ni Lumondang ang dahilan ng sunog.

Umaabot naman sa P200,000 ang pinsala ng sunog, ayon sa BFP Mandalu­yong habang pansamantalang inilagak ang mga apek­tadong pamilya sa basketball court ng barangay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with