^

Metro

4 na suspek sa murder sumuko sa QCPD

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
4 na suspek sa murder sumuko sa QCPD

Ang apat na suspect sa kasong murder na sumuko sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) kama­kalawa. Kuha ni Boy Santos

MANILA, Philippines - Makaraang makon­sen­siya­, kaya sumuko sa mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na suspek sa kasong pagpatay, na naganap noong pagsalubong sa Bagong Taon.

Kinilala ni QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo  Elea­zar, ang mga suspek na sina  Royland Gallego, 34; Vicente Taboso, 26, kitchen helper; Amante Plaza Jr., 28, janitor; at Aldin Plaza, 39, kitchen helper, pawang residente ng Camia St., Lower Jasmin Ext., Brgy. Payatas, sa lungsod. 

Kasalukuyan pang tinutu­gis ng pulisya ang mga kasamahan ng mga sumukong suspek na sina Ronald Su­terio, alyas  Liit, Bernard Busilan at isang di-pa nakikilalang lalaki.

Sinabi ni Gen. Eleazar, dakong alas-9:00 ng umaga nitong Enero 13, 2018 nang lumutang sa Special Ope­rations Unit (DSOU) na pi­namumunuan ni P/Supt. Ro­garth Campo ang mga nabanggit na suspek.

Ang apat ang siyang sinasabing responsable sa pag­patay sa mga biktimang sina Hasim Sapad at sa kapatid nitong si Sehaboden Lumna, 17. 

Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang dalawa pang kasamahan ng mga biktima na si Umair Abdulwahid, 28 at Khalid Sapad, 19, matapos na magtamo lamang ng mga sugat sa katawan.

Nabatid na noong nakaraang New Year’s Eve, ang mga biktima kasama ang mga kamag-anak ay nag-iinu­man­ sa harap ng kanilang tahanan sa Camia St., Brgy. Payatas, habang ang mga suspek ay nag-iinuman din may ilang metro ang layo sa mga biktima.

Pagsapit ng alas-3:30 ng madaling-araw (Enero 1, 2018), sinita umano ni Gallego at ng dalawa pang kasamahan nito ang mga biktima dahil sa ingay umano nang pag-iinuman hanggang sa magkainitan at humantong sa pananaksak ng mga nasabing suspek.  

Umawat naman sina Abdulwahid at Khalid Sapad subalit maging sila ay inundayan din ng saksak ng mga suspek na nagresulta ng pagkamatay nina Lumna at Sapad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with