^

Metro

7 ‘tulak’ timbog sa buy bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang babae at limang lalaki na sinasabing tulak ng droga sa isinagawang buy bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Supt. Guillermo Eleazar, director ng QCPD ang mga suspek na sina Analyn Villanueva; Divina Dasalla;  Luis Sarsuela; Angelo Alvaro, Miguel Bernard; Rommel Catabian at Ruben Sarsuela pawang nasa hustong gulang.

Nadakip ang mga suspek dakong alas-9:00 ng gabi sa magkahiwalay na ikinasang buy bust operation sa 14th at 15th Avenue Brgy. Socorro at Brgy. San Roque sa lungsod.

Nakuha mula sa mga suspek ang 9 na sachet ng shabu at mark money na halagang P4,500.

Ayon sa hepe ng QCPD Station 7 na si P/Supt. Benjie Tremor, notorious na drug perso­nalities ang mga suspek.

Itinanggi naman ng mga suspek na sila ang nagtutulak ng droga pero inamin nilang gumagamit sila ng bawal na gamot.

Nahaharap ngayon sa paglabag sa Dangerous Drugs Act ang pito na ngayon ay nakakulong pa sa himpilan ng QCPD.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with